Friday, June 16, 2023

Turuan mo akong muling tumingin sa buwan
at lumangoy sa dagsang liwanag ng mga bituin
bago lisanin ang muling pagtatagpo ng mga paningin.
Nagbabakasakali na sa hinagap ng hininga,
sa simula ng katapusan at katapusan ng simula,
mapawi ang pananabik, masambit muli ang pangangamusta.
Muli’t-muli ay paulit-ulit kong hihilingin na makita rin kita.
Sa pagkakataong muling umikot pabalik ang oras.
Hahawakan kita. Raramdamin kita. Hihilahin din kita.
Nang maramdaman mong ‘di ka nag-iisang umiikot
sa sariling araw na ginawa ko
para makita ang liwanag sa dilim.